Unrequited love? Oo, biktima
ako nun. At marahil ikaw na nagbabasa ngayon ay naging biktima rin,
kasalukuyang binibiktima o magiging biktima pa. Dalawampung taon ng
nakatungtong ang aking maliliit na paa ala lotus feet rito sa mundo at ‘di ko
ikinakailang maraming beses na rin akong nag-ukol ng pagtingin sa iba’t-ibang
uri ng lalake. Ayun, may straight, may binabae, may sporty, may mukhang kulugo,
yung isa may topak, at merong ding may B.O. Ewan ko nga ba kung totoo ‘yung
lahat ng sinabi ko basta ang alam ko lang sakto yung first three. Oo na,
ang labo ko ngang kausap. Kaya, kung di mo masikmura ang mga pinagsusulat ko ay
hala, gorabels ka na at mag-flylalu to the edge of glory! Baboosh at huwag ng
bumalik pa nang di ko ma-jombags ang nguso mo.
Hep!
Alrighty, tama na ang mga salitang bading. Masyado na akong nagiging trying
hard at ayoko ng ganun.
So,
eto ang kuwento ko. Apat na taon na akong single at ‘di ko na mabilang kung
ilang beses ko ng ipinukol sa ‘king sarili ang simpleng tanong na “BAKIT?” Ang
pangit-pangit ko na ba talaga? Nakakadiri ba talaga ang sandamakmak kong
tagyawat sa mukha? May an-an, buni, fungi o hadhad ba ako na hindi man lang ako
aware? O kaya naman, mukha ba akong nangangalmot kaya walang lumalapit sa ‘kin?
Oh c’mon, TELL ME!
Ganito
kasi ‘yun, di ba binanggit ko ang UNREQUITED LOVE kanina na siya nga namang
pinkapunto ko sa entry kong ito? Sa totoo lang, sa apat na taon ko rito sa UPV,
sa iisang tao lang naman ako nakaramdam ng ganito. Alam mo ‘yung pakiramdam na
gustung-gusto mo siya. Kulang na lang gumawa ka ng first move nang ikaw ay
mapansin. Hindi naman kasi ako liberated o ‘di kaya’y nasobrahan sa women
empowerment. Tulad ng utot, gusto ko na talagang ilabas at iputok ito ngunit
pinipigilan ko naman ang sarili ko kasi ayoko rin namang mapahiya. Ayoko lang
talagang maunang magtapat. Period.
Binabaling
ko rin naman ang aking atensyon sa ibang tao, pa-crush2x sa iba. Yun nga lang,
wala pa ring silbi. Kung itsura man lang, hindi talaga siya gwapo. Kung brains
naman, hindi rin naman siya ganoon katalino. Kung attitude naman, siya ang
epitome ng ‘maginoo pero medyo bastos’. Mantakin mo ‘yun, out-of-the-blue
nawala lahat ng standards ko? Sino pa bang sisisihin ko kundi ang hinayupak na
lalaking yun! To be honest, mas minahal ko pa siya kumpara sa –ex ko. Anong
klaseng crush ba ‘to? Did I mention the word ‘minahal’? Ayun, inamin ko na!
Sa totoo
lang, pilit ko rin naman siyang kinalimutan. Binura ko na nga ang number niya.
(At hindi ko minemorya yun. Duh. Huwag mag-expect.) Halos i-unfriend ko na nga
siya sa FB ngunit huwag na lang baka naman mahalata niyang iniiwasan ko siya.
(Siya pa naman ang nag-add.) Pero ang pinakanakakabaliw sa lahat ay yung mga
pagkakataon na nagkakandaupang-palad kayo sa iba’t-ibang parte ng UPV. ‘Di ko
maiwasang ‘di tumingin ng diretso sa kanya. Nahihirapan din akong magsabi ng
‘hi’ o ‘hello’ at kung may choice ako eh ayaw ko rin naman unless mauna siya.
Sabi ko nga, ayokong mahalata nya ang ‘uneasiness’ ko towards him. Pero alam mo
yun, ginagawa ko naman ‘to upang tuluyan na siyang mawaglit sa aking isipan. (WTF!!!)
Ewan ko rin,
parang iniiwasan na rin nya ako. Buwan na yata ang nakalipas mula nang mag-text
siya. Sa tuwing nagkakasalubong kami, hindi na rin siya namamansin, ni palitan
ng ngiti wala na rin. Mas mabuti na rin siguro yung ganito, pa-unti2x nang sa
huli’y matatanggap ko na rin na wala na talaga siguro akong pag-asa sa kanya.
(Parang lalake naman ako kung magsalita. Akala mo kung sinong nililigawan.)
Unti-unti na rin akong nakaka-move on pero di ko parin mapigilan ang aking
sarili na umasa. Sa ngayon, kapag may nakikita akong babae na kasama niya, di
ko maiwasang mag-isip ng masama. Parang kinakain ako ng paranoia. Pero ‘di ba
wala naman akong karapatan? Wala naman akong karapatang makaramdam ng kahit
kapipiranggot lamang na selos. But in the long run, masakit pa rin. Ika nga,
tagos!
Malapit na
akong grumadweyt! Bilang na ang mga oras na makikita ko siya at bilang na rin
ang mga oras upang mailabas ko ang aking mga hinanakit sa kanya. Ang tanging
benepisyong makukuha ko kung di ko na siya makikita ay tuluyan ko na rin
sigurong makakalimutan ang aking nararamdaman. Kung saa’t-saan, ‘dun din iyon
patutungo. Siguro, ang tanging magagawa ko lang ngayon ay umani ng ng sapat na
courage upang maibuhos ko ang lahat pagdating ng tamang panahon. At sa panahong
iyon, zero na talaga siguro ang nararamdaman ko para sa kanya. Marahil,
tatawanan ko na lang ang aking nagawang kabaliwan at kababawan. (Takte! Ang
drama ko lang. MMK ang peg?)
Sa ngayon,
mas mabuti na sigurong alagaan ko ang PRIDE ko. Ito lang naman ang lagi kong
kasangga sa buhay at ito lang din naman ang natatanging bagay na kaya kong
ipagmalaki at ipagkalandakan sa mundo. Pero syempre, sumagi din naman sa isipan
ko ang posibilidad na kahit konti lang, baka may nararamdaman din naman siya
para sa akin. Wuuuu! Malabo naman talaga sigurong mangyari iyon.
UNREQUITED LOVE nga naman,
masyadong one-sided. At heto naman ako, hindi pa rin nagsasawa sa mga
pambibiktimang ginagawa niya. Sige-sige pa rin kahit magkanda-ubos2x na ang
dugo dahil sa walang humpay na pananaksak ng lecheng unrequited love na ‘yan.
Tama na
siguro ‘to. Ayoko nang maging biktima. Talagang ayoko na. *sabay birit ng Kung
Ako Na Lang Sana ni Bituin Escalante*
0 comments:
Post a Comment